Petron Blaze Spikers top pick sa PSL Draft
MANILA, Philippines - Ang Petron Blaze SpiÂkers ang magpapangalan sa first pick sa lottery para sa kauna-unahang PhiÂlippine Super Liga (PSL) Draft na idaraos bukas sa NBA Café sa SM Aura, Taguig City.
Kabuuang 26 na paÂnguÂnahing unsigned volleybelles ang maaaring kunin para sa protected nine players ng bawat koponan na lalahok sa premier volleyball club tournament.
Ang PSL Draft ay idaraos sa alas-2 ng hapon.
Naniniwala ang Lady Blaze Spikers, kinakataÂwan nina team manager Monch Cruz at assistant coach Shaq de los Santos, na magkakaroon sila ng magandang kampanya sa paghugot sa mga bigaÂting players na naglaro sa katatapos na collegiate women’s volleyball wars.
Ang bagong prangkiÂsang Air Asia-Zes ang huÂhugot sa second pick kasunod ang RC Cola, CagaÂyan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at Philippine Army, ngayon ay dadalhin ang Generica Pharmaceuticals na kinakatawan ni team manager Claire Carlos.
Hindi na pakakawalan ng Petron, ang pumangatlo sa inaugural PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si National University stalwart Aleona Denise Santiago.
Target naman ng Air Asia Zest, kinabibilangan nina dating De La Salle University Lady Spikers Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz, si daÂting two-time UAAP MVP Abigail Maraño.
Sina PSL chairman PhiÂlip Ella Juico, Commissioner Ian Laurel at Sportscore chairman Ariel Paredes ang makakasama ni PSL President Ramon Suzara sa pamamahala sa Draft matapos ang matagumpay nilang inaugural year.
Magsisimula ang PSL All-Filipino ConfeÂrence sa Mayo 10 sa Ultra sa Pasig.
- Latest