Pinakamabangis na Pacquiao inaasahan ni Bradley
MANILA, Philippines - Natutuwa si WBO welterweight champion Tim Bradley na nakatulong kay Manny Pacquiao ang mga pahayag na kinukuwestiyon niya ang ‘killer’s instinct’ nito.
Nagpalabas ang kampo ni Pacquiao na nasaktan ang 8-division world champion sa naunang paÂtutsada ni Bradley kaya’t itinulak ng Pambansang kamao ang sarili sa pagsasanay upang maibalik ang dating tikas sa ring.
Taong 2009 pa noong huling nakahirit ng knockout panalo si Pacquiao at nangyari ito laban kay Miguel Cotto.
“Good, good, great, fantastic,†pahayag ng walang talong si Bradley sa panayam na lumabas sa Desertsun.com.
“I want the best Manny Pacquiao. So when I whoop him, when I whoop you, then I’ll get even more credit. I want the best. I don’t want no excuses at the end of the night. Zero excuses,†banat pa nito.
Sa Abril 12 magtutuos uli sina Pacquiao at Bradley at hanap ng huli ang makapagtala ng kumbinsidong panalo matapos ang split decision tagumÂpay noong 2012.
Nasabi ni Freddie Roach na natalo si Manny dahil naroroon pa rin ang awa nito sa kalaÂban kaya’t noong nadodomina na niya si Bradley ay nilubayan niya ito para matalo.
Ang bagay na ito ay hindi tanggap ni Bradley kaya’t umaasa siya na ang dating mabangis na Pacquiao ang siyang aakyat ng ring sa Abril.
Sa Wild Card gym nagsasanay si Pacquiao at mas lalalim pa ang paghaÂhanda nito kung tototohanin ni Roach ang balak na maka-spar niya si Cotto.
Babalik ng ring si Cotto sa Hunyo 7 laban sa WBC middleweight champion Sergio Martinez at ang Puerto Rican boxer ay nasa pangangalaga na rin ni Roach.
Iba ang istilo ni Cotto kumpara kay Bradley pero nakikita ni Roach na makakatulong ang sparring para mas tumibay ang kilos ni Pacquiao sa ring.
- Latest