Farenas puntirya ang titulo vs Velazquez

MANILA, Philippines - Masusukat uli kung han­da na nga ba si  Michael Fa­renas na humarap sa mala­laking laban sa pagpun­tirya niya sa ba­kanteng WBC Asian Boxing Council super fea­therweight title laban kay Hector Velazquez ng Mexico sa Biyernes sa The Arena sa San Juan City.

Mataas ang kumpiyansa ni Farenas sa kakayahan na talunin si Velasquez na noong 2005 ay hinarap si Manny Pacquiao at luma­sap ng sixth round TKO pagkatalo.

May 37-4-4 baraha, ka­­sama ang 29 KOs, si Farenas ay galing sa tatlong panalo noong 2013 at nangailangan lamang siya ng kabuuang limang rounds para manalo kina Gerardo Zayas, Kosol Sor Vorapin at Jesus Rios.

Ang 39-anyos na si Velazquez na may 56 panalo sa 80 laban at may 38 KOs ay nasa bansa na noon pang Marso 14 at papasok siya sa bakbakan mula sa unanimous decision panalo kay Oscar Arenas noong Enero 5.

Ito ang unang pa-bo­xing ng MAG Pacman Boxing Promotions at ito ay suportado ng CherrylumE, DIY (Do It Yourself) Hardware at Harrix Wires at Cables.

Mapapanood ito sa GMA 7 sa Marso 22 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Undercard sa laban si Dave Peñalosa na ba­bang­gain si Alem Robles ng Me­xico. Si Robles ang siyang nakatapat ni Dodie Boy Peñalosa Jr. noong Disyem­bre 13.

Show comments