Atletang ipapadala ng NSAs sa Asian Games na ‘di pasado sa criteria, ‘di makakalusot sa Task Force
MANILA, Philippines - Dadaan sa masusing pagsusuri ang ilang National Sports Associations (NSAs) na magnanais na magpadala ng atleta sa Asian Games pero maaaring mahirapan na maabot ang criteria na naunang ipinasa ng Asian Games Task Force.
Sa kasalukuyan ay tatlong team sports sa men’s basketball at rugby bukod sa women’s softball ang nakapasok kasama ng BMX cycling at athletics sa ipadaÂdalang Pambansang delegasyon sa kompetisyong gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Kabilang sa mga tututukan ay ang larong shooting wrestling, canoe-kayak, squash, football at volleyball na hindi malayong dumaan sa qualifying para makasama sa Pambansang koponan.
Naunang sinabi ni PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia na mga palaban sa medalya at mga potensyal na medalists sa 2015 Singapore SEA Games ang maaaring bumuo sa delegayon.
Hanap ng ilalahok sa Incheon Games na mahigitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na napanalunan sa 2010 Guangzhou Games.
Ang Pilipinas ay puwedeng sumali sa 33 sports na paglalabanan sa Asian Games pero tatlong NSAs na ang nagpahayag ng desisyon na hindi na lalahok.
Matapos ang naunang pakikipagpulong sa TF na kinabibilanganan din nina POC chairman Tom Carrasco Jr., Romy Magat at Dr. Jay Adalem, ang badmindon, table tennis at handball ay hindi na magpapadala ng kinatawan dahil hindi pa handa ang kanilang manlalaro.
Ang mga Fil-Am BMX riders na sina Daniel at Chris Caluag at ang men’s 4x400m relay na sina Isidro Del Prado Jr., Edgardo Alejan Jr., Julius Nierras at Archand Christian Bagsit ang mga pasok na sa delegasyon.
Inaasahan na magkakaroon din ng lahok ang bansa sa boxing, taekÂwondo at wushu na siyang sinasandalan para manguna sa paghakot ng medalya sa kompetisyon.
Magpapatuloy ngayon ang pagpupulong ng TF at mga NSAs para sa pagnonombra ng atleta na puwedeng masama sa delegasyon.
- Latest