^

PSN Palaro

Pacquiao bumalik na ang pamatay na porma

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit isang buwan pa bago umakyat ng ring si Manny Pacquiao para labanan uli si Timothy Bradley pero ngayon pa lamang ay nanumbalik na ang mga katangian niya noong isa-isa niyang pinataob ang mga mabibigat na kalaban.

“Ang lakas ng kamay, ang bilis ng mga paa, ang linaw ng mata. Para ko siyang nakikita noong nagsisimula pa lamang kami,” wika ng kababata at trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez sa panayam ng Philboxing.

Ang ipinakikita ni Pacquiao sa kanilang pagsasanay sa General Santos City ay nagpapaalala rin kay Fernan-dez noong naghahanda sila para labanan si Oscar dela Hoya.

Nangyari ang tagisang tinutukan ng mga panatiko ng boxing noong Disyembre 6, 2008 at bugbog-sarado si Dela Hoya sa kamao ni Pacquiao. Dahil sa sobrang hirap na inabot, hindi na lumabas ng kanyang corner si Dela Hoya sa pagsisimula ng ikawalong round.

“Ganyan siya lagi sa araw-araw naming training ses­sions. Parang hindi napapagod,” dagdag pa ni Fer­nandez.

Determinado na nagsasanay si Pacquiao dahil ha­nap niya ang kumbinsidong panalo kay Bradley upang matabunan ang kontrobersyal na split decision na pagkatalo sa unang pagkikita noong 2012.

Si Freddie Roach ang nangunguna sa paunang paghahanda ni Pacquiao dahil tatapusin ang pagsasa-nay sa Wild Card Gym sa US.

Kinuha bilang sparmate si Lydell Rhodes at pinatotohanan nito ang angking bilis ni Pacman.

“He’s too fast that if you blink, he’ll be connecting three, four or simply a barrage of punches,” pahayag nito.

Binigyan pa ng insentibo ni Roach si Rhodes, undefeated sa 19 laban, ng $1,500.00 para lamang patulugin sa ensayo ang Kongresista ng Sarangani Province, ngunit suko na ito sa hangarin dahil hindi niya matama-tamaan si Pacquiao dahil sa sobrang bilis ng pagkilos.

 

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

DELA HOYA

GENERAL SANTOS CITY

LYDELL RHODES

PACQUIAO

SARANGANI PROVINCE

SI FREDDIE ROACH

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with