Pacquiao pamumunuan ang Elorde Memorial Awards sa Marso 25
MANILA, Philippines - Babanderahan ni Hall of Famer Manny Pacquiao at ang apat na world boxing chamÂpions ang hanay ng mga international at Philippine champions sa 14th Gabriel “Flash†Elorde Memorial Awards.
Nakatakda ang naturang event bilang paggunita kay ‘The Flash’ sa Marso 25 sa Harbour Garden Tent ng Sofitel Hotel.
Magsasama sa entablado sina WBO light flyweight champion Donnie Nietes, InÂternational Boxing Federation light flyÂweight title holder Johnriel Casimero, WBO minimumweight titlist Merlito Sabillo at ang nagbabalik na si Nonito Donaire paÂra tanggapin ang kanilang awards bilang boÂxers of the year sa annual awards.
Si Elorde ay ang unang Filipino na iniÂlukÂlok sa International Boxing Hall of Fame.
Ito ay dahil sa kanyang malinis na reÂcord bilang world junior lightweight champion mula 1960 hanggang 1967.
Noong 2013 ay binigo ni Nietes ang daÂÂlawang Mexicans para mapanatili ang suÂot na WBO light flyweight title na kanyang inagaw kay Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 18, 2011.
- Latest