^

PSN Palaro

Hamero at Sy sinibak na sa payroll Garcia suportado si Gomez

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ni PSC chair­man Ricardo Garcia ang naunang rekomen­dasyon ni commissioner Jolly Gomez na alisan ng suweldo sina National coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero ng athle­tics.

Nararapat ang aksyon matapos iulat ni Gomez na hindi nag-perform ang mga manlalarong hinawakan nina Sy at Hamero. May ulat pa na pineke ni Hamero ang data ng ilang hawak na atleta para masama sa Pambansang koponan at makapaglaro sa laban ng bansa.

“We are not removing them as National coaches in athletics. But we only removed them from the payroll of coaches being supported by PSC. If PATAFA believes they deser­ve to remain as National coaches, they can do so. But they will have to pay for their salaries,” wika ni Garcia.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng PSC dahil tinuran ni Garcia na may mga coaches na silang inalis matapos mapatuna­yan na nagpabaya sa kanilang mga trabaho o may gina­wang  mali sa mga atleta.

Si Gomez ang commissioner-in-charge sa athle­tics at may mga basehan umano ang kanyang rekomendasyon.

Si Sy ay sinasabing mas madalas pa na nasa tanggapan ng PATAFA sa halip na sipatin ang Natio­nal athletes.

Idinagdag pa ni Garcia na puwedeng umapela pa ang PATAFA sa nasabing desisyon pero aminado siyang malabo na mabago pa ang inilabas na desisyon sa dalawang coaches. (AT)

GARCIA

HAMERO

JOLLY GOMEZ

JOSEPH SY

RICARDO GARCIA

ROSALINDA HAMERO

SHY

SI GOMEZ

SI SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with