Ang mananalo ang sasagupa sa Rain or Shine, finals seat pag-aagawan ng Ginebra at San Mig
MANILA, Philippines - Ito na ang laro kung saan aabante ang mananalo sa best-of-seven championship series, habang ang maÂtatalo ay magkakaroon ng bakasyon.
Nagtabla sa 3-3, tatapusin ng Barangay Ginebra at ng San Mig Coffee ang kanilang best-of-seven semifiÂnals showdown sa Game Seven ngayong alas-8 ng gaÂbi para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart AraÂneta Coliseum.
Bumangon ang Gin Kings mula sa isang 14-point deÂficit sa second period para balikan ang Mixers, 94-91, sa Game Six noong Lunes.
“Nakuha namin ang right formula the last time out,†saÂbi ni Ginebra coach Ato Agustin. “Walang pagbabago sa Game Seven, pipilitin namin uling gawin ang mga taÂma naming ginawa sa Game Six.â€
Naging inspirasyon din ng mga Gin Kings ang pagbiÂbigay sa kanila ng mensahe ni ‘Living Legend’ Robert JaÂworski, Sr. sa kanilang dugout sa halftime.
“Sabi nga ni Sen. Jaworski, huwag naming sayangin ‘yung suporta ng taong bayan sa amin,†ani guard LA TeÂnorio.
Hangad naman ni mentor Tim Cone na maipasok ang San Mig Coffee sa kanilang ika-25 finals appeaÂrance.
“It’s been a great series, a tough series with a lot of drama, and it seems only fitting that it should go to a Game Seven,†wika ni Cone, kasalukuyang katabla si leÂgendary coach Baby Dalupan sa paramihan ng PBA titles sa bilang na 15.
- Latest