^

PSN Palaro

Malacañang tiwala sa kakayahan ni Martinez sa Winter Olympic Games

Aurea Calica - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Ma­lacañang na suporta­han ang pambato ng Pilipinas na si Michael Christian Martinez sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.

Sinabi kahapon ni Pre­si­dential Spokesman Edwin Lacierda na kumpiyansa ang Palasyo na makakapag-uwi ng medalya si Martinez sa figure skating sa kabila ng kawalan ng snow sa bansa.

“We hope the Filipino people are behind Christian and his quest for gold at the Sochi Olympics,” wika ni Lacierda sa dzRB.

Ang 17-anyos na si Martinez ang tanging kinatawan ng bansa sa figure skating competition.

Si Martinez ay sinamahan ng kanyang inang si Maria Teresa at Russian coach na si Russian Victor Kudryatsev sa Winter Games.

Siya ay sinasanay ni Kudryavtsev sa Moscow noong nakaraang buwan.

Idinagdag pa ni La­cierda na ang Malacañang ay “very, very proud” of such athletes and “we hope God will bless you.”

“We can do it,” dagdag pa nito.

Si Martinez ang kauna-unahang figure skater mula sa South East Asia.

Tumapos siya bilang pang-pito sa nakaraang  Ne­belhorn Trophy sa Germany noong nakaraang taon.

“We always say that if the Filipinos are given a chance to excel they will have the opportunity to excel and they will have the competence to excel,” ani Lacierda.

 

vuukle comment

LACIERDA

MARIA TERESA

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

RUSSIAN VICTOR KUDRYATSEV

SI MARTINEZ

SOCHI OLYMPICS

SOUTH EAST ASIA

SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with