Orcollo kampeon sa derby city classic
MANILA, Philippines - Tinalo ni Dennis Orcollo si Francisco Bustamante, 3-1, upang mapanatili sa Pilipinas ang titulo sa 9-Ball banks division sa 16th annual Derby City Classic na ginagawa sa Horse shoe Southern Indiana Elizabeth, Indiana, USA.
Pambawi ito ni Orcollo matapos matalo sa nagdedepensang kampeon na si Bustamante sa unang semifinals.
Ang dalawang Filipino cue-artists at si Earl Strickland na lamang ang mga nakatayo papasok sa semifinals at bye sa unang tagisan ang US player.
Matapos lasapin ang kauna-unahang kabiguan sa torneo, ginamit ni Orcollo ang kanyang buy-back option upang magkaroon ng re-draw sa kanilang tatlo.
Pinalad ang 2013 World Cup of Pool champion katuwang si Lee Van Corteza, na mag-bye at naiwang naglaban sina Bustamante at Strickland na dinomina ng tubong Tarlac na pool player, 3-1.
Halagang US $10,000.00 ang napanalunan ni Orcollo at ito ang ikalawang sunod na panalo niya sa 2014 matapos mangibabaw sa one-on-one nila ni Darren Appleton sa TAR 38 na nagkahalaga ng $3,000.00.
May $5,000 pakonsuÂwelo si Bustamante na miÂnalas din na nabigo sa Bigfoot 10-ball challenge.
Umabot sa semifinals, hindi kinaya ni Bustamante ang husay ni Shane Van Boening at yumuko sa 8-11 iskor.
Si Van Boening ay hinirang na kampeon matapos daigin sa Finals si Niels Feijen, 11-7. (AT)
- Latest