^

PSN Palaro

Aldridge pinasiklaban si Love at ang Timberwolves Durant humataw sa pagbabalik

Pilipino Star Ngayon

PHILADELPHIA--Bumalik agad si Kevin Durant mula sa shoulder injury sa pamamagitan ng 32 puntos, 14 rebounds at 10 assists tungo sa 103-91 pana­naig ng Oklahoma City Thunder laban sa 76ers noong Sabado.

Hindi nakalaro sa laban kontra sa Boston Celtics, nakita ang kasabikan

ng NBA leading sco­rer na maglaro uli nang siya ang nauna sa court para sa warm-ups at ma­kailangang ulit din na nag-dunk para ipaalam na ayos na ang na­nakit na balikat.

Si Serge Ibaka ay nagdagdag ng 25 puntos at 11 rebounds para sa Thunder habang si James Anderson ang nanguna sa natalong home team sa 19 puntos.

Sa Portland, Oregon, gumawa naman ng ingay si LaMarcus Aldridge hinggil sa di pagpili sa kanya bilang starter sa Western Conference All-Star team nang maghatid ito ng 21 puntos sa 115-104 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Hiniya niya si Kevin Love na mayroong 15 puntos at 13 rebounds para sa Timberwolves.

Si Love ang siyang pinangalanan bilang isa sa starters ng West pero marami ang naniniwala na mas ka­rapat-dapat sa puwesto si Aldridge na sa huling laro ay tumapos taglay ang 44 puntos at 13 boards sa panalo sa Denver.

May season-high 37 puntos at 11 assists si Jamal Crawford at ang Los Angeles Clippers ay nangibabaw sa Toronto Raptors, 126-118, kahit tumapos si  Terrence Ross bitbit ang 51 puntos.

Ang nagawa ni Ross ay  pumantay sa Raptors record na ginawa ni Vince Carter 14 taon na ang nakalipas at tinabunan niya ang kanyang dating career-high na 26 na ginawa laban sa Portland noong Enero 2, 2013.

Si Ross ay  tumapos bitbit ang 16-of-29 shooting at 10-of-17 sa three-point line. Isang beses lamang siyang sumablay sa 10 buslo sa free throw line.

vuukle comment

ALDRIDGE

BOSTON CELTICS

JAMAL CRAWFORD

JAMES ANDERSON

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

LOS ANGELES CLIPPERS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with