^

PSN Palaro

Tikas ni Federer ‘di umubra kay Nadal

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE-- Nakitaan ng ibang kumpiyansa si Roger Federer sa kanyang unang limang laro sa Australian Open.

Ngunit ang bagay na ito ay naglaho nang naka­tapat ang karibal na si Rafael Nadal na itinatak ang marka para lumawig ang pagpanalo laban sa dating number one player na si Federer.

Sa first set lamang na­ging mainit ang labanan bago bumigay si Federer tungo sa 7-6 (4), 6-3, 6-3, pagkatalo kay Nadal sa semis ng men’s singles.

Halos pitong taon na hindi nananalo si Federer kay Nadal sa major dahil ang huling panalo niya ay nangyari noong 2007 sa Wimbledon.

Naiangat din ni Nadal ang head-to-head nila sa 23-10 at may 9-2 baraha sa Grand Slams.

Nakadagdag inis pa kay Federer ang sa pakiramdam niya ay ang pagpabor ng chair umpire kay Nadal matapos magkaroon lamang ng dalawang pe­nalties mula sa pinahabang break matapos ang bawat puntos.

“I’m not complaining about so many things,” wika ni Federer. “I just think it’s important to enforce the rules on many levels, whatever it may be. On all the players the same way. Don’t give me or (Novak) Djokovic a free pass just because of who we are. I think we should all be judged the same way.”

Namaalam na sa kompetisyon si Federer pero naniniwala siya na makakabawi siya sa mga susunod pang kompetisyong sasalihan.

AUSTRALIAN OPEN

DJOKOVIC

FEDERER

GRAND SLAMS

NADAL

NAIANGAT

NAKADAGDAG

RAFAEL NADAL

ROGER FEDERER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with