Petron lumapit sa semis
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
5:45 p.m. Rain of Shine
vs Globalport
8:00 p.m. Barangay Ginebra
vs Alaska Aces
MANILA, Philippines - Nag-init bigla ang kamay ng Petron Blaze Boosters sa 3-point line upang maiwanan ang Barako Bull, 101-88, sa pagsisimula kagabi ng PLDT MyDSL PBA Philippine Cup quarterfinals na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tatlong tres at 11 puntos ang ginawa ni Marcio Lassiter sa 28-4 bomba upang iwanang nakatungo ang naunang nagpasikat na Energy Cola.
Si Alex Cabagnot ay may dalawa pang triples habang si Chris Lutz ay mayroong isa para ibigay sa tropa ni coach Gee Abanilla ang 1-0 kalama-ngan sa best-of-three series.
“We just got lucky and got our shots in the second half,†wika ni Abanilla. “Lassiter just planed in from the States and he gave us a very good contriÂbution.â€
Ang 6’4 na si Lassiter ay tumapos bitbit ang 17 puntos na siya ring ginawa nina Cabagnot at Arwind Santos. May 15 si June Mar Fajardo, si Lutz ay may 14 at si Chris Ross ay naghatid pa ng 10.
Hindi inakala ng mga panatiko ng Barako Bull na sa ganito mauuwi ang laban dahil angat pa ang koponan ng pito, 78-71, matapos ang three-point play ni Willie Miller may 10:16 sa orasan.
Pero dalawang tres ang ginawa ni Lassiter, si Lutz ay mayroong isa at si Fajardo at Santos ay umiskor sa ilalim para pasiklabin ang 17-0 bomba na nag-angat sa Boosters sa 10 puntos, 88-78.
“I just want to give a lot of credit for Barako, they have a very good coach and they hit a lot of tough shots,†pagpupugay pa ni Abanilla sa karibal na coach na si Bong Ramos.
May tig-17 puntos sina Miller at Buenafe para sa Energy Cola na nakalayo ng hanggang 12 puntos, 47-35, sa ikalawang yugto sa tres ni JC Intal.
Sa ikatlong yugto ay nagtrabaho ang Boosters at ang tres ni Cabagnot ang nagpatabla sa iskor sa 63 bago ang reversed lay-up ni Ross ang nagpatikim ng kalamangan sa Petron, 65-63.
Ngunit tig-isang triples ang ginawa nina Buenafe at Miller para sa 10-2 palitan upang mabawi ng Barako Bull ang kalamangan, 73-67, sa pagpasok ng huling yugto.
Kasalukuyang naglalaban pa ang Talk N’ Text at San Mig Coffee habang sinusulat ang balitang ito.
Samantala, bubuksan ngaÂyon ng Rain or Shine at Globalport ang kanilang serye sa alas-5:45 ng hapon, habang sasagupain naman ng Barangay Ginebra ang Alaska Aces sa ikalawang laro. (ATan)
Petron 101 - Lassiter 17, Cabagnot 17, Santos 17, Fajardo 15, Lutz 14, Ross 10, Tubid 6, Lanete 4, Taha 1, Duncil 0, Kramer 0.
Barako 88 - Miller 17, Buenafe 17, Intal 15, Pena 9, Miranda 9, Wilson 8, Jensen 5, Maierhofer 3, Pennisi 3, Macapagal 2, Lastimosa 0, Marcelo 0.
Quarterscores: 20-22, 42-49, 67-73, 101-88.
- Latest