Li may tiket na sa semis ng Aussie Open
MELBOURNE--NanaÂnatiling buhay ang laban ni two-time finalist Li Na ng China sa Australian Open matapos talunin si Flavia Pennetta, 6-2, 6-2, at umabante sa semifinals noong Martes .
Agresibo ang No. 4 seeÂded na si Li at lumamang agad sa 5-0 sa unang set para itakas ang panalo sa larong tumagal lamang ng 67 minuto.
Talunan nina Victoria Azarenka (2013) at Kim ClijsÂters (2011) sa Finals, magtatangka si Li na umaÂbot sa championship round sa ikalawang sunod na taon at pangatlo sa huling apat na edisyon sa pagpaÂnalo sa semis kontra sa alinÂman kina Ana IvanoÂvic ng Serbia at Eugenie Bouchard ng Canada.
Si Ivanovic ang siyang tuÂmapos sa kampanya ng top-ranked na si Serena Williams sa three-set win noong Linggo.
Sa men’s division, magÂkikita sina No. 3 David Ferrer at No. 7 Tomas BerÂdych sa unang quarterfinals match.
Ang top-ranked na si Rafael Nadal ay makikipagtagisan kay Grigor Dimitrov habang ang Wimbledon champion na si Andy Murray ay mapapalaban sa 17-time Grand Slam champion Roger Federer.
Ang pagtutuos nina three-time defending chamÂpion Novak Djokovic at No. 8 Stanislas Wawrinka ang kukumpleto sa labanan sa quarterfinals.
- Latest