So sumuko kay Aronian
MANILA, Philippines - Pinagbayad ni top seed Armenian Levon Aronian ang masamang paghawak ni Filipino GM Wesley So ng English Opening para kunin ang 36-move panalo sa sixth round ng Tata Steel Masters sa Wijk Ann Zee sa The Netherlands noong Sabado.
Napilitan mag-resign si So nang nadehado siya sa palitan matapos isakripisyo ni Aronian ang isang pawn upang maipit sa kingside ang kanyang mga piyesa.
Ang 31-anyos na si AroÂnian ay dating world rapid, blitz at Cup champion at siyang nanguna sa Armenian national team na nanalo ng ginto sa 2006, 2008 at 2012 World Chess Olympian sa Turin, Dresden at Istanbul.
May limang puntos ang 2812 rated player na si Aronian matapos ang anim na laro upang umabante ng isang puntos angat kina Dutch Anish Giri at Russian Sergey Karjakin.
Tumabla si Giri kay fourth-seeded Gelfand maÂtapos ang 66 moves ng Gruenfeld habang si KarÂjakin ay nanalo kay German Arkadij Naiditsch sa 76 moves ng King’s InÂdian Attack.
Si So ay bumaba sa paÂkikisalo sa ikaapat na puÂwesto kasama si No. 3 Fabiano Caruana ng Italy, No. 6 Leinier Dominguez ng Cuba at Pentala Harikrishna ng India sa 3.5 puntos.
“Great game by Lew Aronian. It was a convinÂcing performance so far that is why he is No. 2 in the world,†wika ni Susan Polgar na siyang coach ni So.
Pagsisikapan ni So na bumangon mula sa kaÂbiÂÂÂguan sa pagharap kay Karijakin sa seventh round.
- Latest