^

PSN Palaro

Criteria sa ASIAD, dapat taasan

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Malayo pa ang Asian Games sa Incheon. Pero nga­yon pa lamang ay nais nang malaman ng lahat kung anu-ano ang criteria para makasama sa Philippine National team.

Ang sabi  ni Jose Romasanta, chef de mission  sa 2010 Asiad sa Guangzhou, ang bronze medal  standard sa Asian Games, World Championships, o sa Olympics ang dapat na makasama sa Incheon.

At sang-ayon tayo sa standard na ito.

Talaga  namang  nararapat lamang na bronze me­dal standard  ng  Asian Games, World Championships, o ng Olympics ang dapat na makasama at maglaro sa Incheon.

Ibang  antas na kasi ang Asian Games.  Mas malaki, mas matikas, at mas makinang ang Asiad kaysa sa SEA Games.  Hindi  ba’t  kadalasan ay ito ang nagiging qualifying nga para sa Olympics.

Maging ang gold medal sa nakaraang Myanmar ay hindi isang kasiguruhan na ang atleta ay papasa sa Asian Games. Marami kasing mga gold standard sa SEA Games ay hindi man lamang makalapit sa bronze standard ng Asian Games.

Hindi bale nang kakaunti lamang ang makasama  sa Asiad, pero sigurado namang makapagbibigay ito ng medalya at makakatulong sa kampanya ng Pilipinas sa Asiad.

Kung sa SEA Games ay medyo naghigpit ang PSC at Philippine Olympic Committee, dapat ay mas maghigpit o tripleng higpit ang kanilang criteria rito sa Asian Games.  

Kinakailangan na hindi basta-basta magpapadala na lamang ng atleta para lang magpatalo.

Dapat din namang tigilan ng mga athletes at NSAs ang kanilang paggamit ng padrino upang makasama sa Asiad.  Patunayan nila na dapat silang ipadala rito.

Kadalasan kasi ay “bumibigay”  ang PSC at POC  kapag nakiusap na ang kung sinu-sinong mga opisyal ng National Sports Association, o sinumang padrino ng athlete. 

Kinakailangan na laging isaisip ng PSC at POC na  pera ng bayan ang kanilang ginagastos at nararapat lamang itong masulit.

 At masusulit lamang ang buwis na ibinabayad ni Juan dela Cruz kung mahuhusay at nasa standard ang mga atletang ipadadala.

ASIAD

ASIAN

ASIAN GAMES

GAMES

INCHEON

JOSE ROMASANTA

KINAKAILANGAN

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with