Laguna handa na sa hosting ng Palarong Pambansa
MANILA, Philippines - Opisyal na tinanggap ng Province of Laguna ang pagtayo bilang punong abaÂla sa unang pagkakataon sa Palarong Pambansa nang lagdaan ni Governor Jeorge “E.R.†Ejercito-Estregan ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si Department of Education (DepEd) secretary Bro. Armin Luistro kahapon sa Bulwagan ng Karunungan sa DepEd office sa Pasig City.
Dalawang taon na naghintay si Ejercito-EstreÂgan na mapunta sa kanyang pinamumunuang proÂbinsya ang pinakapresÂtihiyosong kompetisyon sa mga mag-aaral sa elementarya at secondary at tiniyak niyang handang-handa ang Laguna sa kaganapang itinakda mula Mayo 4 hanggang 10.
“The Palarong Pambansa in Laguna will be the benchmark of future Palarong Pambansa. This day marks the start of our journey to the biggest and grandest sports event for schooled athletes,†wika ni Ejercito-Estregan sa nag-uumapaw na Bulwagan.
Ang inayos na 19-ektarÂyang Laguna Sports Complex ang pagÂgaÂganapan ng halos lahat sa 19 sports na paglalabaÂnan sa isang linggong kompetisyon.
Aminadong nagulat si Luistro sa dami ng taong sumulpot para sa sigÂning lamang ng MOA at bagamat sa Mayo pa ang aktuwal na kompetisyon ay inihayag niya ang tiyak na tagumpay ng Palaro sa Laguna.
“May mga points na pinagbabasehan para sa pagpili ng host ng Palaro. Pero isa rin sa ginagamit namin ay ang suporta ng mga stake holders na tutulong para sa ikatatagumÂpay ng hosting ng Palaro pahayag ni Luistro.
Ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao, PBA superstar James Yap at ang mahuhusay na sina Jeric at Jeron Teng ang siyang inimbitahan para maging panauhing pandangal sa opening ceremony.
- Latest