NLEX pahihigpitin pa ang kapit sa No. 2
MANILA, Philippines - Pagtitibayin pa ng NLEX ang kanilang kapit sa paÂngalawang puwesto habang manatiling buhay ang kampanya ang habol ng Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Sa ikatlong sunod na laro ay sasalang uli ang Road Warriors laban sa Café France at ikaapat na dikit na panalo tungo sa 7-1 baraha ang masaÂsagasaan ng koponan para lumakas ang habol sa awtomatikong puwesto sa Final Four.
“We are not thinking of the playoffs yet and our goal is to win as many games as possible and see what happens,†wika ni Fernandez.
Sa ganap na ika-2 ng hapon itinakda ang labaÂnan at ang Bakers na may apat na sunod na panalo, ay mangangailangan din ng tagumpay para tumibay ang puwesto patungong quarterfinals.
Ang koponan ni coach Edgar Macaraya ang number one defensive team ng liga sa ibinibigay na 71 puntos sa kalaban pero dapat na tumikas din ang kanilang opensa lalo pa’t isang offensive team ang kalaban.
Ang anim na koponan ang aabante sa playoffs at ang number three hanggang six teams ay dadaan sa quarterfinals.
Ang Gems na babanggain ang Arellano sa huling laro dakong alas-4 ay may katiting na tsansa pa para hindi ma-eliminate agad.
Unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali ay sa pagitan ng mga talsik ng Wangs Basketball at NU-Banco de Oro at disenteng pagtatapos na lamang ang kanilang habol sa liga.
- Latest