MVP Executive of the Year ng PSA
MANILA, Philippines - Makakasalo ng taong responsable sa pagbubuo sa Gilas Pilipinas ang mga makabagong cage heroes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 25 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Hihirangin si Manny V. Pangilinan bilang Executive of the Year ng pinakamatandang media organization sa isang formal affair na inihahandog ng MILO kasama ang Air21 bilang major sponsor.
Bilang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), pinangunahan ni Pangilinan ang taon kung saan muling pumaimbulog ang mga Filipino cagers.
Ang pinakatampok dito ay ang pagbabalik ng bansa sa world championship matapos ang 35-taon.
Pumangalawa ang Gilas Pilipinas sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship noong Agosto.
Ang Nationals ay binigyan ng tinaguriang ‘MVP’ ng sapat na overseas training at exposure.
Ang pagdaraos ng nasabing qualifier para sa FIBA-World Cup sa Spain ay muling naisagawa sa bansa makaraan ang 40 taon sapul noong 1973.
“We can’t think of any other persons worthy of the Executive of the Year award than Mr. Manny V. PangiÂlinan himself,†sabi ni PSA president Jun Lomibao ng the Business Mirror.
Si Pangilinan, ang chairman ng Philippine Long Distance Company/Smart at TV5, ang ikaapat na personalidad na pararangalan sa okasyon na pinangangasiwaan ng PSA katuwang ang Smart Sports, Philippine Sports Commission, Philippine Basketball Association, Accel at 3XVI, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., Globalport, Air21, Rain or Shine, ICTSI-Philippine Golf Tour at si Senator Chiz Escudero.
Ang mga nauna nang nabigyan ng PSA Executive Award ay sina Philippine Azkals team manager Dan Palami, Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas at PBA commissioner Chito Salud.
- Latest