^

PSN Palaro

Budget ng PSC, ayusin

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Sa pagsisimula ng taon, nakabitin pa rin ang budget ng  Philippine Sports Commission (PSC).

Wala pa ring katiyakan kung mapopondohan ba ang mga pangangailangan ng atleta ng bansa.

Bagama’t aminado ang PSC na may budget para sa sports ang bansa, ito ay kakapurit lamang kumpara sa tunay na pangangailangan upang mapasigla ang sports dito sa Pilipinas. 

Marami sa mga atleta natin sa ngayon ang hindi na ipi­nagpapatuloy ang kanilang career sa sports dahil na rin sa kakulangan sa budget.  Hindi kasi maibigay ng PSC ang kinakailangang training para sa mga atleta na­tin na nagreresulta sa disappointments at frustration ng karamihan sa ating mga atleta.

Dagdag pa dito, wala sa internasyunal na standards ang ating mga pasilidad.  Natural lamang na kapag wala sa standards, bagsak din ang pagsasanay ng ating mga atleta, lalo na ang mga sasabak sa mga internasyunal na kompetisyon.

Sabi ng PSC na kakailanganin nila ang mahigit sa P800 milyon para matugunan ang mga pangangaila­ngang ito.

Bagama’t  tayo ay sang-ayon sa pagdadagdag ng bud­get sa PSC, ang kinakailangan ay ang maayos na monitoring kung saan napupunta ang pondong ito.

 Ito ang bagay na kulang sa ating gobyerno -- ang monitoring kung saan napupunta ang budget.

Para sa atin, nararapat  lamang na taasan ang budget ng PSC, pero kinakailangan na may sapat na pananagutan ang mga hahawak nito, particular na ang PSC.

Kadalasan, ay napupunta sa wala ang buwis ni Juan dela Cruz dahil sa sandamakmak na pulitika at ko­rupsyon sa ating gobyerno.

Sa PSC na lamang, kahit premyado ang sports na hawak ng isang National Sports Association, hindi pa rin nakakasiguro na malaki ang budget nito para sa trai­ning at partisipasyon sa mga kompetisyon, local man o internasyunal.

Umapela na ang gustong umapela. Pero ito ang li­taw na katotohanan na noon pang unang panahon ay pinupuna na natin. At madalas, dahil sa mga pa­mu­mulitika ng mga pamunuan ng mga ahensyang ito, ang nagsasakripisyo ay ang kawawang atleta na nakasalang sa kompetisyon.

Tama na taasan ang budget para sa sports, pero da­pat na may pananagutan ang pamunuan ng PSC sa pag-disburse nito.

Abangan natin ang mangyayari.

BAGAMA

BUDGET

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

SHY

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with