‘Four-peat’ asam ng San Beda sa men’s football
MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Beda College ang kanilang kampanya para sa ikaapat na suÂnod na NCAA seniors footÂball crown sa pagsaguÂpa sa Lyceum sa Lunes sa ASCOM pitch sa Taguig CÂity.
Magtatagpo ang Red Lions at ang Pirates sa alas-8 ng umaga.
Sa iba pang opening day games, lalabanan ng EmiÂlio Aguinaldo College ang Mapua sa alas-10 kaÂsunod ang banggaan ng College of Saint Benilde at ng University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali.
Nakakuha naman ng bye ang 2013 runner-up na Arellano University.
Sa kanilang 20 NCAA titles, hangad ng San BeÂda na maduplika ang 21 championships ng dating miyembrong De La Salle UniÂversity.
Sina Niel Dorimon at Miguel Caindec ang baÂbanÂdera sa Red Lions na tuÂmalo sa Chiefs sa one-game Final para angkinin ang kanilang pangatlong diÂkit na NCAA crown.
Wala na sa line-up ng San Beda sina Nhiboy PeÂdimonte, ang tinanghal na Season 88 MVP, midfielder Ali Baldo at Jon Aaron Carlos dahil naÂkumpleto na nÂila ang kaÂnilang playing eliÂgibility para sa Mendiola-based school.
- Latest