Blazers pinaulanan ng tres ang Bobcats
PORTLAND--Inangkin ni Wesley Matthews ang lima sa 21 tres na ginawa ng Portland Trail Blazers sa 134-104 pagdurog sa Charlotte Bobcats noong Huwebes.
Naipasok ng Blazers ang unang pitong 3-pointers at tinapos nila ang laro tangan ang kahanga-hangang 63.6 percent sa 33 buslo.
Si Matthews ay tumapos tangan ang 25 puntos habang si Damian Lillard ay may 24, tampok ang anim na triples.
Ang 21 tres ay nagpantay sa franchise record na nagawa noong Disyembre 14 sa 139-105 paglampaso sa Philadelphia 76ers.
Umangat ang Portland sa 26-7 baraha upang kunin uli ang liderato sa Western Conference habang ang Bobcats ay natalo sa ika-limang sunod na pagkakaÂtaon at ika-anim na diretso sa kamay ng Trail Blazers.
Sa Oklahoma, hindi naÂman ipinahiya ni Joe Johnson ang sarili nang maipasok ang buzzer-beaÂting jumper para ibigay ang 95-93 come-from-behind panalo sa Brooklyn Nets laban sa Thunder.
Bumangon ang bisitang Nets mula sa 79-98 iskor sa huling 6:54 ng orasan at sa huling play ay mismong si Johnson ang humingi na siya ang pagkatiwalaan ng kanyang coach na si Jason Kidd.
Ito lamang ang ika-11 panalo sa 32 laban ng Nets habang ang Thunder ay lumasap ng ika-pitong pagkatalo matapos ang 25 panalo.
Sa Sacramento, gumawa si Thaddeus Young ng 28 puntos habang si Evan Turner ay nagdagdag ng 24 at ang Philadelphia 76ers ay nagwagi sa Kings, 113-104.
May career-high na anim na steals si Young para katampukan ang ikatlong sunod na panalo ng Sixers matapos ang 13 sunod na kabiguan.
Limang steals ay kanyang ginawa sa first half para pantayan ang arena record.
May 21 puntos pa si reserve guard Tony Wroten habang tig-10 pa ang ibinigay nina Lavoy Allen at Specer Hawes sa nanalong koponan.
- Latest