Aguilar, Fajardo gitgitan ang labanan para sa BPC race
MANILA, Philippines - Sa kanilang mga numeÂrong ibinibigay para sa Petron Blaze at Barangay Ginebra, hindi nakapagtaÂtakang manguna sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar sa karera para sa Best Player of the ConfeÂrence race ng 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Parehong kasama ang 6-foot-10 na si Fajardo ng Blazers at 6’8 Aguilar ng Gin Kings sa Top 10 sa scoring, rebounding at shotblocks.
Kumolekta si Fajardo, hindi nakalaro sa huling dalawang laban ng Petron dahil sa kanyang right knee injury, ng statistical points (SPs) average na 43.5, saÂmantalang naglista si Aguilar ng 41.2 SPs.
Nagsumite ang Cebuano cager na si Fajardo ng mga averages na 17.3 rebounds, 15.5 points, 1.6 assists, 3.0 blocks at 0.4 steals para sa Boosters sa elimination round.
Noong nakaraang season ay hindi rin nakapagÂlaro si Fajardo matapos sumailalim sa isang groin surgery na nagresulta sa pagkatalo niya kay Calvin Abueva ng Alaska para sa 2013 Rookie of the Year trophy.
Nagrehistro naman si Aguilar ng mga averages na 19.8 points, 9.5 boards, 3.8 blocks at 1.4 assists a game para sa Ginebra.
Nasa ilalim nina Fajardo at Aguilar para sa Best Player of the Conference race sina 2013 PBA MVP winner Arwind Santos (37.3 SPs) ng Petron, 2013 PhiÂlippine Cup BPC titleholder Jason Castro (37.0 SPs) ng Talk ‘N Text at Jay Washington (32.9 SPs).
Patuloy na pinamunuan ng Ginebra ang torneo mula sa kanilang 9-1 record kasunod ang Petron Blaze (8-2), Talk ‘N Text (6-3), Rain or Shine (6-3), Globalport (4-5), San Mig Coffee (3-5), Meralco (3-6), Alaska (3-6), Barako Bull (3-7) at Air21 (2-8).
Samantala, bumabandera naman sa labanan para sa PBA Rookie of the Year award si seven-toot center Greg Slaughter mula sa kanyang 36.5 SPs bilang No. 5 sa Best Player of the Conference race.
Kumabig si Slaughter ng mga averages na 15.4 points, 10.4 rebounds at 2.1 blocks para sa Gin Kings.
Kasunod ni Slaughter para sa PBA Rookie of the Year race sina Terrence Romeo (23.8 SPs) ng Globalport, San Mig Coffee center Ian Sangalang (20.1 SPs), Rain or Shine slotman Raymond Almazan (17.8 SPs), Globalport guard RR Garcia (17.5 SPs), Globalport forward Justin Chua (14.6 SPs) at sina Jeric Teng (12.4 SPs) at Alex Nuyles (12.3 SPs) ng Rain or Shine.
- Latest