^

PSN Palaro

Madi Mojdeh pasok sa Palarong Pambansa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Madi Mojdeh pasok sa Palarong Pambansa
Madi Mojdeh
Kuha ni Chris Co

MANILA, Philippines — Nakahirit ng tiket sa 2025 Palarong Pambasa si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh matapos ang impresibong ipinamalas nito sa National Capital Region (NCR) qualifying meet kahapon sa Muntinlupa Aquatic Center sa Muntinlupa City.

Nasiguro ni Mojdeh ang puwesto sa NCR team na sasabak sa Palarong Pambansa matapos masungkit ang pilak na medalya sa boys’ secondary 200m butterfly.

Nagtala ang pambato ng Parañaque City ng dala­wang minuto at 15.43 segundo upang makuha ang qualifying time para sa Palarong Pambansa.

Masaya si Mojdeh na nagwaklipika ito matapos ang ilang beses na bigong pagtatangka na maibaba ang kanyang oras sa mga nakalipas na tournaments noong nakaraang taon.

“I am so happy that I have finally improved on my 200m butterfly. I have been targeting to lower it since last year but for some reason hindi ko siya makuha,” ani Mojdeh na Grade 8 student sa Immaculate Heart of Mary College-Parañaque.

At nagawa ito ni Mojdeh sa pagkakataong ito para masiguro ang silya sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Mayo sa Laoag, Ilocos Norte.

Kaya naman desidido si Mojdeh na mas maging pukpukan pa ang ensayo nito upang mapaghandaan ang mas matinding laban na haharapin nito sa Palarong Pambansa.

Nagpasalamat din ito sa mga coaches nito na patuloy na gumagabay sa kanyang bawat laban.

“Thank you so much coach Jeremiah and coach Sherwyn to Sir Raffy and Immaculate for all the support and my teammates in BEST and Royals and my family for pushing me to my limits. And to my Ate Jas who has been a source of inspiration to me,” ani Mojdeh.

Hahataw pa si Mojdeh sa 200m breaststroke event sa NCR qualifying meet.

PALARONG PAMBASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->