Fajardo magbabalik sa Enero 8
Laro sa Enero 4
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
3:30 p.m. Talk ‘N Text
vs Alaska
5:45 p.m. Meralco
vs Air21
MANILA, Philippines -Matapos hindi makita sa dalawang huling laro ng Petron Blaze ay inaasahan magbabalik sa aksyon si 6-foot-10 sophomore center June Mar Fajardo sa EneÂro 8 sa kanilang laban ng Barako Bull sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Si Fajardo ay nagkaroÂon ng right knee injury nang makabangga si Doug KraÂmer sa kanilang team pracÂtice.
Nadismaya ang mga fans nang hindi maglaro si Fajardo sa kanilang unang paghaharap ni seven-foot rookie Greg Slaughter ng BaÂrangay Ginebra noong Disyembre 25.
Namayagpag si Slaughter katuwang si 6’8 Japeth Aguilar para igiya ang Gin Kings sa 97-83 panalo kontra sa Boosters.
Bago ito ay natalo muÂna ang Petron sa Rain or Shine, 95-99, noong DisÂyembre 21 matapos iposte ang matayog na 7-0 record.
Bumangon naman ang Boosters nang gibain ang three-time defending champions na Talk ‘N Text, 105-91, noong Disyembre 28 para pigilin ang kanilang two-game losing skid..
Patuloy na pinamunuan ng Ginebra ang torneo mula sa kanilang 9-1 record kasunod ang Petron (8-2), Rain or Shine (7-3), Talk ‘N Text (6-3), Alaska (4-6), (Globalport (4-6), Barako Bull (4-7), San Mig Coffee (3-7), Meralco (3-7) at Air21 (2-8).
- Latest




















