Boxing sa Singapore SEAG posibleng ibalik
MANILA, Philippines - Kahit ang pangulo mismo ng Singapore Boxing Federation ay hindi alam na inalis ang contact sport sa mga larong gagawin sa 2015 SEA Games sa nasabing bansa.
Nagkausap sina ABAP executive director Ed Picson at Singapore boxing president Sayed Abdul Kadir habang ang dalawa ay nasa Myanmar para sa 27th SEA Games at naibalita ni Picson ang pagkakatanggal ng boxing sa kalendaryo ng SEAG.
“Sinabihan niya ako na binibiro ko siya. Sabi ko hindi dahil may listahan na ibinigay ang aming National Olympic Committee sa sports na gagawin sa Singapore. Kaya kahit siya ay nagulat,†wika ni Picson.
Nangako naman si Kadir na pangungunahan ang pangungumbinsi sa kanilang Olympic Federation para hindi alisin ang sport na kung saan ang Pilipinas ay malakas katulad ng Thailand.
“Mahalaga ang tulong na makukuha natin sa Singapore federation dahil may influence sila. Hopefully ay hindi mawala ang boxing sa 2015,†dagdag ni Picson.
May 30 sports ang nakatala sa 28th SEA Games at nanguna sa nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkaalis ng boxing ay si PSC chairman Ricardo Garcia.
Sa katatapos lang na boxing event sa Myanmar, ang Pilipinas ay nakasungkit ng tatlong ginto sa katauhan nina London Olympian Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at women’s World champion Josie Gabuco.
Nadagdagan pa sana ito kung di nadale ng hometown decision si Nesthy Petecio sa semifinals at si Wilfredo Lopez sa finals.
- Latest