Sinag dinurog ang Myanmar
MANILA, Philippines - Itinaas pa ng National men’s basketball team ang lebel ng paglalaro nang durugin ang host Myanmar, 118-43, sa pagpapatuloy ng 27th SEA Games basketball kagabi sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Nay Phi Taw, Myanmar.
Ang 75-puntos kalamangan ang pinakamalaki sa torneo na sinasalihan ng pitong bansa at nangyari ito dahil sa walang kapagurang opensa at depensa galing sa 15-time champion ng torneo.
Si Ronald Pascual ay mayroong 20 puntos sa 8-of-12 shooting, kasama ang 4-of-6 sa three-point line, upang katampukan ang impresibong 68% field goal performance mula sa kabuuang 47-of-69 marka.
Bukod sa opensa ay gumana rin ang depensa ng koponan matapos maÂkitaan ng pagbaba sa pagpuntos ng host country.
Mula sa 15 puntos sa unang yugto, lumiit ito nang lumiit hanggang sa natapos ang 40-minutong tagisan na may anim na puntos lamang ang Myanmar.
Si Mark Belo na siyang pinaka-consistent player ni Uichico ay mayroon pang 17 puntos habang sina Kevin Ferrer, Garvo Lanete at Bobby Parks Jr. ay tumaÂpos taglay ang 13, 10 at 10 puntos.
Nasalang din sa unang pagkakataon ang dating may injury na si Kevin Alas at gumawa ito ng limang puntos bukod pa sa tatlong rebounds at dalawang assists
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng koponan na hindi na uli ibinabad si Marcus Douthit na mayroong limang puntos sa 17 minutong paglalaro lamang.
Magpapatuloy ang kamÂpanya ng koponan ngaÂyon laban sa karibal na Thailand bago isunod bukas ang Indonesia at wakasan ang laro sa Linggo laban sa Malaysia.
Ang laro kontra Thais ang sinasabing championship game ng dibisyon dahil ang nasabing koponan ay hindi pa natatalo matapos ang tatlong laro.
Huling pinadapa ng Thais ang Cambodia, 80-67, na nangyari rin kahaÂpon.
- Latest