^

PSN Palaro

Rugby, Triathlon ibabalik sa Singapore SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sports na hu­ling inilaro noon pang 2007 sa Thailand ang magbabalik sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Ang mga ito ay ang la­­rong triathlon at rugby 7 na mga sports na kaya ring pagharian ng Pilipinas upang puwedeng maipalit sa pagkaalis ng bo­xing.

Napagkasunduan ng Singapore National Olympic Council ang paglatag ng 30 sports na paglalabanan sa SEAG na itinakda mula Hun­yo 5 hanggang 16, 2015.

Kinumpirma na ng SEA Games Federation ang mga sports na paglalaba­nan at ibabalik din ang la­rong softball na kung saan ang Pilipinas ay kilalang po­werhouse sa kalalakihan at kababaihan at huling na­nalo noong 2011 sa In­donesia.

Ang iba pang sports na gagawin sa 28th SEAG ay ang aquatics (swimming, synchronized swimming, diving at water polo), archery, badminton, basketball, billiards and snooker, bowling, canoeing, cycling, fencing, football, golf, gymnastics, hockey, judo, netball, silat, sailing, sepak takraw, shooting, squash, table tennis, taekwondo, tennis, dragon boat, wakeboard and waterski at wushu.

Noong 2007 ay kuminang ang Pilipinas sa triathlon nang nag-uwi ang ipinanlaban ng isang ginto, dalawang pilak at apat na bronze medals.

Kasama sa event ng triathlon ang duathlon at ang duathlete na si Ryan Mendoza ang siyang naghatid ng ginto sa men’s division.

Ang men’s rugby ay nag-uwi naman ng pilak sa kompetisyong pinagharian ng Thailand. Ang Singapore ang siyang kukuha sa bronze medal.

ANG SINGAPORE

DALAWANG

GAMES FEDERATION

KASAMA

KINUMPIRMA

PILIPINAS

RYAN MENDOZA

SHY

SINGAPORE NATIONAL OLYMPIC COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with