^

PSN Palaro

Gilas ‘di natitinag sa Myanmar, Thailand ang pinaghahandaan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na nais na alisin ni coach Jong Uichico sa hawak na koponan, ito ay ang pagkakaroon ng kumpiyansa ng mga manlalaro na madali nilang tatalunin ang mga makakalabang koponan sa 27th SEA Games basketball na ginagawa sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Myanmar..

“If we think that way, we become vulnerable and may fall into traps. Hindi puwede iyon. We must treat each of our opponents with utmost respect while playing accordingly,” wika ni Uichico na may dalawang panalong naitala sa Singapore at Cambodia.

Pahinga ang aksyon kahapon dahil isinagawa ang opening ceremony sa kompetisyon pero bukas ay mahaharap uli sa pagsubok ang koponan dahil katunggali nila ang host Myanmar.

Ang isang araw na pahinga ay ginamit din ng koponan para itanim sa isipan ng manlalaro na mayroon silang sistemang dapat sundin at hindi sasandalan ang individual talent para mas tumibay ang tsansang makuha ang ika-16th ginto sa SEAG.

Inaasahang hindi prob­lema sa koponan ang Myanmar pero ang pinaghahandaan ng Gilas ay ang laro kontra sa Thailand sa Biyernes. Susunod dito ang Indonesia bago tapusin ang kampanya sa Linggo kontra Malaysia.

Noong 1989 sa Malay­sia ang natataging SEA Games na sinalihan ng Pilipinas mula 1977 na hindi nagkampeon ang bansa at ito ang ayaw na maulit ni Uichico.

BIYERNES

INAASAHANG

JONG UICHICO

LINGGO

MYANMAR

NOONG

PAHINGA

UICHICO

ZAYAR THIRI INDOOR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with