^

PSN Palaro

Bakbakan matindi na pinas maghahabol sa ginto

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Opis­yal na magsisimula ang tagisan sa 27th Myanmar SEA Games at ang Pambansang atleta ay magku­kumahog sa pag-ani ng me­dalya para makasabay sa malakas na pag-arangkada ng ibang katunggali.

Blangko ang mga ipi­nu­tok nina Emerito Concepcion, Jayson Valdez at Benny Cagurin sa 50m rifle prone sa shooting nang ang koponan ay nangulelat sa pitong naglaban sa 1809.4 puntos.

Pinangatawanan naman ni Valdez ang pagiging pinakamahusay na shooter sa rifle na nangunguna sa koponan sa 610.4 puntos.

Ngunit hindi sapat ito para pumasok siya sa Top eight na siyang naglaban para sa individual gold me-dal.

Salamat sa pagbibida ng wushu artists, ang Pilipinas ay nagkaroon ng tat­long ginto bukod pa sa limang pilak at tatlong bronze medals.

Ang wushu ay mayro­ong 3-3-2 medal tally sa pagtatapos ng torneo bago pa man ang opening ce­remony kahapon habang ang dalawang pilak ay ibinigay nina wrestlers Margarito Angana at Jason Balabal na mga gold medalists noong 2011 sa Indonesia.

Ang bansa ay nasa ika-anim na puwesto sa medal race pero nangangambang malaglag pa dahil ang Cambodia at Singapore ay nasa ikapito at walong puwesto bitbit ang tig-dalawang gintong medalya.

Bunga nito, mahalaga ang ipakikita ng Pambansang manlalaro na sasalang sa mga larong swimming, chess, wrestling, boxing at kayak para mapanatili o umangat ang bansa sa kinalulugarang puwesto.

Sina Matt Navalta at London Olympian Jasmin Alkhaldi ang magbubukas ng laban sa pool events habang sa individual rapid at standard ang unang mga ginto sa chess.

Itinalaga ni coach Jayson Gonzales sina GMs Joey Antonio at Mark Paragua sa rapid at sina GMs Eugene Torre at Darwin Laylo sa standard pero  hinihintay pa ang go-signal ng organizers kung papayag sila dahil hindi ito ang orihinal na line-up ng koponan na naunang ipinadala sa pamunuan ng liga.

Ang mga wrestlers na lalaban ay sina Alvin Lob­requito, Jhonny Morte at Joseph Angana habang ang mga lady boxers na sina Maricris Igam, Irish Magno at Josie Gabuco ay mag-aasinta ng panalo para samahan si Nesthy Petecio sa Finals.

Pinangunahan naman ng naka-bahag na si Balabal bilang Flag bearer ang Pambansang delegasyon na nagmartsa kasama ang mga kinatawan ng 10 iba pang bansa sa makulay na opening ceremony kagabi.

ALVIN LOB

BENNY CAGURIN

DARWIN LAYLO

EMERITO CONCEPCION

EUGENE TORRE

IRISH MAGNO

JASON BALABAL

PAMBANSANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with