Boozer nagbidasa Bulls Heat tinambakan
CHICAGO--Tumapos ng 27 puntos si Carlos BooÂzer habang apat na iba pang manlalaro ang tumipak din ng magandang numero at ang Chicago Bulls ay nagwagi sa nagdedepensang kampeon Miami Heat, 107-87, noong Huwebes sa NBA.
Si Luol Deng ay mayroong 20 puntos, si Taj Gibson ay nag-ambag ng 19, may solidong 17 puntos at 15 boards ang ginawa ni Joakim Noah habang 11 pa ang hatid ni Kirk Hinrich para itala ng Bulls ang pinakaimpresibong panalo sa season.
Bago ito ay anim sa pitong laro ang naipatalo ng Bulls na hindi uli nagagamit ang serbisyo ng dating MVP ng liga na si Derrick Rose.
Si LeBron James ay mayroong 21 puntos pero ang Heat ay gumawa lamang ng season low 41.6 percent shooting at lasapin ang ikalawang sunod na pagkatalo.
Naunang yumuko ang Heat sa Detriot noong Martes at nagkaroon lamang na 43.9 shooting ang Miami.
Sa kabilang banda, may 50 percent shooting ang home team, kasama ang 10-of-19 sa three-point line. Si Deng ay may apat na tres habang tatlo ang ibinigay ni Hinrich.
Pinakamalaking abante ng Bulls ay nasa 25 puntos pero naghabol ang Heat at napababa sa 12 ang kalamangan.
Si Norris Cole ang bumuslo para gawing 93-81 ang iskor sa huling 5:38 ng labanan.
Pero umiskor si Gibson bago binutata si Udonis Haslem. Sa kabilang dulo ay kumunekta ng tres si Deng para ilayo sa 17 ang Bulls, 98-81, upang tiyakin ang panalo.
Sa Memphis, nagtulong sina Darren Collsion at Jamal Crawford ng tig-15 puntos upang trangkuhan ang Clippers sa 101-81 panalo laban sa Grizzlies.
Umiskor si Chris Paul ng 15 puntos at walong assists para sa Clippers, tinapos ang kanilang dalawang sunod na panalo.
Nanguna naman si Kosta Koufos sa Memphis sa kanyang 17 puntos.
- Latest