NBA game sa Mexico Kinansela
MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ang laro sa pagitan ng San Antonio Spurs at Minnesota Timberwolves sa Mexico City noong Miyerkules matapos mapuno ng usok ang Mexico City Arena.
Pinalabas ang mga manlalaro at iba pang tao na nasa venue 45 minuto bago ang pagsisimula ng laban at napag-alaman na nag-apoy ang generator room na nasa ikaapat na palapag ng gusali.
“What happened was provoked by a short circuiting the room of generators,†statement na ipinalabas ng mga awtoridad.
Nagwa-warm up na ang mga koponan nang mamatay ang ilang ilaw sa gym bago lumabas ang usok sa mga bentilasyon.
Ang laro ay itatakda sa ibang araw at gagawin na ito sa Minnesota.
Ito sana ang unang NBA regular-season game sa Mexico matapos i-host ang laro ng Houston at Dallas noong Disyembre 6, 1997.
- Latest