Pinoy champs ‘di isusuko ang titulo
MANILA, Philippines - Manatiling kampeon ng Pilipinas sa larangan ng boxing ang pagsusumikapang gawin nina Donnie “Ahas†Nietes at Merlito “Tiger†Sabillo sa pagharap laban sa dalawang bigating dayuhan sa Pinoy Pride XXIII ngayong gabi sa SMART Araneta Coliseum.
Idedepensa ni Nietes ang hawak na WBO light flyweight title sa pangatlong pagkakataon laban kay Mexican Sammy “Guty†Gutierrez habang itataya ni Sabillo ang WBO minimumweight title kontra kay Carlos “Chocorroncito†BuiÂtrago ng Nicaragua na pagÂlalabanan sa 12 rounds.
Sina Nietes at Sabillo ay dalawa sa tatlong nakatayong world champions ng Pilipinas.
Ang pangatlo ay si Johnreil Casimero na maÂtagumpay na nagdepensa sa hawak na IBF light flyweight title noong Oktubre 26 laban kay Felipe Salguero ng Mexico.
Ang laban na ito nina Nietes at Sabillo ay gagawin matapos ang dalawang matitinding panalo na kinuha nina Nonito Donaire Jr. at Manny Pacquiao sa buwan ng Nobyembre.
“Ganadung-ganado nga akong lumaban matapos ang magagandang panalo nina Donaire at Pacquiao,†ani Nietes na tulad ni Gutierrez ay tumimÂbang sa eksaktong 108-pounds sa weigh-in kahapon sa Robinson’s Galleria.
“Malakas siya kaya depensa ang talagang dapat pagtuunan rito. Pero dapat din siya mag-ingat lalo na sa mga uppercut ko,†wika ni Nietes na may 31 panalo sa 36 laban bukod ang 17KOs.
May 23-0 baraha, kasama ang 12KOs ang 29-anÂyos na si Sabillo habang 27-0, tampok ang 16KOs ang baraha ng 21-anyos na si Buitrago, ang interim champion ng dibisyon.
Magdedepensa rin si Milan Melindo ng WBO international flyweight crown laban kay Jose Alfredo Rodriquez ng Mexico habang itataya ni Jason Pagara ang hawak na WBO international light welterweight title laban kay Vladimir Baez.
Ang dating WBO ASPAC bantam champion na si AJ “Bazooka†Banal ay haharap kay Lucian Gonzales sa Puerto Rico habang si Jimrec “The ExecutioÂner†Jaca ay babangga kay Wellem Reyk ng Indonesia para makumpleto ang tagisan ng mga Filipino boÂxers at Latino pugs.
- Latest