^

PSN Palaro

Lady Troopers inilaglag ang Lady Rising Suns

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

   2 pm  TMS-Army

vs PLDT (W)

4 pm RC Cola

 vs Cagayan (W)

6 pm Giligan’s

vs PLDT-My DSL (M)

 

MANILA, Philippines - Sinamantala ng nagde­depensang kampeon TM­S-Army ang pangangapa pa ng mga bagong setters ng Cagayan Valley tungo sa 19-25, 25-14, 25-14, 25-17, panalo at solohin ang liderato sa Philippine SuperLiga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Cristina Salak ang na­mahala sa pag-atake ng Lady Troopers nang angkinin ang 46 sa 48 excellent sets ng koponan at ang mga nakinabang ay sina Thai import Luangtonglang Wanitchaya, Mary Jean Balse, Jovelyn Gonzaga at Jacqueline Alarca.

“Nagpalit sila ng setter at alam namin ang laro ng mga locals nila. Nakatulong din ang magandang laro ng mga guest players namin,” wika ni TMS coach Rico de Guzman.

Pinaigting naman ng Cignal HD ang kanilang paglalaro mula sa ikalawang set para sungkitin ang unang panalo matapos ang dalawang laro sa 17-25, 25-19, 25-16, 25-18, tagumpay sa Petron Blaze sa ikalawang laro.

Si Li Zhan Zhan ng HD Spikers ay mayroong 23 puntos para itulak ang katunggali sa huling puwesto sa 0-2 baraha.

May 23 hits tampok ang 20 kills si Wanitchaya habang ang Japanese libero na si Yuki Murakoshi ay may 19 excellent digs.

Nauna rito ay hindi mas­yadong ginamit ni De Guzman si Murakoshi sa naipanalong unang laro laban sa RC Cola dahil sa problema sa komunikasyon.

“Maganda na ang komunikasyon. Pero madali siyang mapagod dahil sanay sa air-conditiones venues,” ani De Guzman.

Sina Balse at Gonzaga ay naghatid pa ng tig-11 hits at 10 ang kay Alarca upang makapagdomina ang TMS sa huling tatlong sets.

Bumaba ang Lady Ri­sing Suns sa 1-1 baraha at sila ay pinangunahan nina Thai Import Yanida Kotruang at Aiza Fontillas sa tig-13 hits.

Ang pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB) ang tumapos sa 17-game winning streak ng Cagayan na kinatampukan ng 16-0 sweep nang mag-reyna sa V-League.

AIZA FONTILLAS

CAGAYAN VALLEY

DE GUZMAN

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

JACQUELINE ALARCA

JOVELYN GONZAGA

LADY RI

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with