^

PSN Palaro

1st Erap Boxing Cup susuntok ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakakawalan ngayon ang 1st Erap Boxing Cup sa San Andres Gym bilang bahagi ng Sports Development program ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Sinabi ni Manila Sports Council Chairman at basketball legend Philip Cezar na ito ay suportado ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Maglalahok ang ABAP, naghahanda para sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre, ng 12 national boxers kontra sa mga fighters mula sa Sri Lanka at Vietnam.

Ang mga foreign pugs hay nakasama sa training camp ng mga Filipino boxers sa Philippine Sports Commission facility sa Baguio City sa nakaraang dalawang linggo.

“We know that Mayor Erap is an avid boxing and sports fan so we see this as a beginning of a productive and symbiotic relationship between the City of Manila and ABAP,” wika ni ABAP president Ricky Vargas

Ang mga produkto ng Batang Pinoy program ng Philippine Sports Commission galing sa Mandaluyong at Tayabas, Quezon ang unang makikita sa aksyon.

Inaasahang dadalo sa event bukod kay Mayor Estrada si Vice-Mayor Isko Moreno at ang mga Manila congressmen at councilor.

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

BAGUIO CITY

BATANG PINOY

CITY OF MANILA

ERAP BOXING CUP

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA SPORTS COUNCIL CHAIRMAN

MAYOR ERAP

MAYOR ESTRADA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with