Women’s basketball, golf team kasama na sa SEAG
MANILA, Philippines - Binigyan na ng go-sigÂnal ng POC-PSC Task Force SEAG ang woÂmen’s basketball team na makasama sa Pambansang delegasyon na maglalaro sa Myanmar SEA Games.
Nagpulong kahapon sina PSC chairman Ricardo Garcia, POC chairman Tom Carrasco Jr. at POC 2nd VP at Chief of Mission Jeff Tamayo at naÂpagdesisÂyunan din ang pagsama ng tatlo-kataong women’s golf team.
“Kasama na ang woÂmen’s basketball at golf teams. Maganda ito lalo na sa gender equity ng deÂleÂgation,†wika ni Tamayo.
Sa pagsama ng dalawang delegasyon, ang biÂlang ng atleta ay nasa 202 habang ang coaches ay nasa 78 katao. May 33 pa ang bilang ng medical at secretariat.
“It’s a good number and I know they will represent the country well,†naman ni pahayag ni Garcia.
Naunang nalagay sa alanganin ang womens cage team na masama sa delegasyon nang tumaÂpos lang sa pang apat na puwesto sa Fiba Asia Championship for Women.
Tinalo ng koponan ang host at 2011 SEAG titlist Thailand pero natalo sa MaÂlaysia at Indonesia.
NguÂnit binigyan ng TF ng timbang ang katotohaÂnan na ang Fiba Asia ang natatanging international tournament na sinalihan ng Perlas matapos manalo ng pilak noong 2011 sa Indonesia.
Kasabay nito ay sinabi rin ni Tamayo na si wrestÂler Jason Balabal na ang flag bearer ng delegasyon sa opening ceremony sa Disyembre 11.
“Naayos na ang scheÂdule ni Jason,†ani Tamayo.
Ang wrestling ay isa sa mga sports na maagang gagawin at lalaruin ito sa Yangon habang sa Nay Phi Taw ang opening ng kompetisyon.
- Latest