^

PSN Palaro

Big chill, Blackwater malinis pa rin

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng Big Chill ang maagang pamamayagpag ng Jumbo Plastic sa 83-69 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Napanatili nina Khazim Mirza at Janus Lozada ang magandang ipikita sa unang laro pero kuminang din sina Jeckster Apinan, Reil Cervantes at Quinton Heruela para umangat ang Superchargers sa 2-0 baraha..

Si Mirza at Lozada ay mayroong 17 at 16 puntos habang sina Apinan, Cervantes at Heruela ay nagtambal sa 36 puntos.

Nagawa rin nina Apinan at Cervantes na ma-outplay ang mga ipinagmamalaking higante ng Giants na sina Jason Ballesteros at Jan Colina na gumawa ng tig-pitong puntos na kalahati sa kanilang averages sa unang dalawang laro.

Bago ito ay sinilo ng Blackwater Sports ang pangalawang dikit na panalo sa 93-80 tagumpay sa Wangs Basketball.

Sina Kevin Ferrer at Jericho Cruz ay nagtambal sa 15 puntos upang ilayo ang Elite sa 86-70.

Si Ferrer ay gumawa ng 13 puntos habang 15 ang kay Cruz upang isuporta sa 17 ni Gio Ciriacruz.

Ang beteranong si Allan Mangahas ay may 14 pa para sa tropa ni coach Leo Isaac na hindi na  nagamit ang serbisyo nina 6’5” center Justin Chua at Rob Celis na nakuha sa PBA Drafting noong Linggo.

Bumaba ang Couriers sa ikalawang sunod na pagkatalo at sila ay pinamunuan ni Karlo Gomez sa kanyang 25 puntos.

 

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

APINAN

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

D-LEAGUE ASPIRANTS

GIO CIRIACRUZ

JAN COLINA

JANUS LOZADA

JASON BALLESTEROS

JECKSTER APINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with