Pinas lumapit sa ginto sa World Wushu
MANILA, Philippines - Lumapit sa isang panalo para sa gintong medalya sina sanda artists Jessie AliÂgaga at Benjie Rivera sa 12th World Wushu Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang tubong Iloilo na si Aligaga ay nangibabaw uli kay W.L. Gunasekara ng Sri Lanka sa 48-kg division, habang si Rivera ng Baguio City ay hiniya ang home town bet na si Lee Wei Loong sa 52-kg class.
Si Gunasekara ang tiÂnalo ni Aligaga nang hinirang na kampeon sa dibisÂyon sa 11th World Wushu Championship.
Ang ginto ay pupuntirÂyahin ng 5-footer na si AliÂgaga laban kay Song Bu Er ng China na isang baguhan sa kompetisyon.
Sa kabilang banda, ang 2005 gold medalist na si Rivera ay haharapin si Hoang Hung Tu ng Vietnam.
Si Tu ay siyang tinalo ni Dembert Arcita noong 2011 Finals.
Si Arcita ay hindi isiÂnaÂma sa pagkakataong ito ng Wushu Federation of the Philippines (WFP).
Hindi naman pinalad na manalo sina Jean Claude Saclag ng Baguio City at Evita Elise Zamora ng DaÂvao City sa kanilang mga laÂban para makuntento sa bronze medals.
Yumuko si Saclag kay Ban Van Trong ng Vietnam, habang si Zamora ay nataÂlo kay Elahe Mansoryan SaÂmiroumi ng Iran.
- Latest