^

PSN Palaro

Waves, Giants makikisalo sa unahan

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatangka ngayon ang Boracay Rum at Jumbo Plastic na saluhan sa unang puwesto ang pahingang Cagayan Valley sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Ang Giants ang unang sasalang laban sa Café France sa ganap na alas-12 ng tanghali bago sundan ng Waves na susukatin ang husay ng Blackwater Sports dakong alas-2 ng hapon.

Magbubukas naman ng kampanya ang Big Chill kontra sa BDO-National University sa ikatlong laro dakong alas-4 ng hapon.

Galing sa dominanteng panalo ang Jumbo Plastic at Boracay Rum nang kanilang durugin ang BDO (76-56) at Derulo Accelero (89-56).

Pero hindi magiging madali ang puntiryang ikalawang sunod na panalo ng dalawang koponan dahil palaban ang kanilang mga katunggali.

Ang Bakers ay may 1-1 baraha at galing sa 70-67 panalo sa Cebuana Lhuillier.

Sina Eliud Poligrates, Jens Knuttel, Chris Eximiniano at Mike Parala ang mga nagtulong-tulong para manalo ang koponan at makabangon agad matapos mabigo sa Ri­sing Suns.

Ngunit kasali ang apat na players na nabanggit sa PBA Drafting kahapon at kung napili ay hindi na makakasama ng koponan mula ngayon na maaaring kapitalisahin ng Giants.

vuukle comment

ANG BAKERS

ANG GIANTS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS EXIMINIANO

D-LEAGUE ASPIRANTS

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with