^

PSN Palaro

6 na teams nagpalakas para sa SuperLiga Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalakas na ang anim na koponan na kasali sa Philippine SuperLiga Grand Prix 2013 na magbubukas sa Nobyembre 10 sa The Arena sa San Juan City.

Ang nagdedepensang kampeon na Philippine Army ay ibabandera pa rin ng mga beteranong sina Tina Salak, Jovelyn Gon­zaga, Joanne Bunag, Theresa Iratay at ang magkapatid na sina Michelle at Mayette Carolino.

Ibinalik naman ng Cignal ang PSL Invitationals MVP Venus Bernal pero dinagdagan ang koponan ng mga puwede pang asahan tulad nina Chee Saet, Maureen Penetrante-Ouano, Danika Gendrauli at Michelle Datuin para higitan ng koponan ni coach Sammy Acaylar ang pangalawang puwestong pagtatapos sa unang conference.

Ang Cagayan Valley ni coach Nestor Pamillar ay hinugot sina Angelica Tabaquero, Pau Soriano, Aiza Maiza, Joy Benito at Wenneth Eulalio habang ang Petron na hawak ni coach Vilet Ponce-de Leon ay binitbit sina Stephanie Mercado, Mic-Mic Laborte, Melissa Gohing, Kara Acevedo, Karla Bello at Gretchen Ho.

Sina Mercado at Laborte ay dating naglaro sa Bingo Milyonaryo na hindi sumali sa pagkakataong ito.

Ang PLDT na hawak ni coach Roger Gorayeb ay pinapirma sina Sue Roces, Angela Benting, Lou Ann Latigay, Charo Soriano, Nica Guliman at Lislee Ann Pantone habang ang bagong koponan na Air Asia Zest ni coach Ro­nald Dulay ay ibabandera nina Michico Cantañeda, Rhea Dimaculangan, Ivy Remulla, Wendy Semana at Maika Ortiz.

 

vuukle comment

AIR ASIA ZEST

AIZA MAIZA

ANG CAGAYAN VALLEY

ANGELA BENTING

ANGELICA TABAQUERO

BINGO MILYONARYO

CHARO SORIANO

CHEE SAET

DANIKA GENDRAULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with