^

PSN Palaro

Arum 3 ang pagpipilian para ilaban kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Wala na sa isipan ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions na ilaban pa si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr.

Sinabi ni Arum na sinuman kina Juan Manuel Mar­quez, Timothy Bradlery, Jr. at Ruslan Provodnikov ay maaaring labanan ni Pacquiao kung mananalo siya kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24.

Sina Bradley at Provod­nikov naman ang puwe­deng itapat kay Rios sakaling magulat nito si Pacquiao.

“Manny has unfinished business with Tim Bradley and that might be a good option if he beat Rios,” wika ni Arum sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao.

Inagaw ni Bradley kay Pacquiao ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hun­yo 9, 2012.

Matagumpay itong nai­depensa ni Bradley laban kina Provodnikov noong Marso at Marquez nitong Oktubre.

“If Rios wins, Ruslan Provodnikov or Bradley would be a good opponents,” ani Arum sa 27-an­yos na si Rios, ang dating WBO light welterweight titlist.

Ang nasabing korona ay inagaw naman ni Provodnikov kay Mike Alvarado, tumalo kay Rios noong Marso, noong nakaraang Linggo sa Denver, Colorado.

Si Provodnikov ay da­ting sparmate ni Pacquiao at sinasanay din nina chief trainer Freddie Roach at Filipino assistant Marvin Somodio sa Wild Card Gym sa Holly­wood, California.

Wala pang katiyakan kung maitatakda pa ang mega fight sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather matapos mabasura ng tatlong beses ang kanilang negosasyon.

BAM BAM

BOB ARUM

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

IF RIOS

JUAN MANUEL MAR

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with