^

PSN Palaro

Tao lang po

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Matapos maupo sa trono bilang Most Valuable Player ay siya namang sadsad ng laro ni Arwind Santos ng Petron Blaze sa 2013 PBA Governors’ Cup Finals.

Dehado ngayon ang Petron, 2-3, sa best-of-seven championship series.

Isa pang talo ay kampeon na ang kalabang San Mig Coffee.

Sa unang laro lang ng serye ay nagpakita si Santos ng kagalingan. Kumubra siya ng 16 points at three rebounds at nanalo ang Petron.

Sa Game 2 ay nakalimutan yata niya na nasa PBA Finals siya. Nagtala lang siya ng apat na puntos at isang rebound sa 27 minuto sa loob ng court.

Nanalo ang San Mig.

Kinuha ng Petron ang Game 3 pero medyo ma­lamya pa din si Santos sa kanyang 10 points at 3 re­bounds.

Bago nagsimula ang Game 4 ay nakopo niya ang una niyang MVP award sa PBA.

Napaluhod si Arwind sa harap ng mga fans at halos mabitawan na ang kanyang mga trophies.

Natural, napasama si­ya sa Mythical Five at Best Defensive team.

Natural din, maganda dapat ang kanyang ilala­ro. Kumbaga, ganado.

Pero kabaligtaran ang nangyari. Sa 28 minutes sa loob ay otso puntos lang si Santos.

Nagmintis siya at nagkaroon ng turnover sa pagtatapos ng laro.

Tumabla ang San Mig.

At sa Game 5 nu’ng Linggo ay dalawang puntos lang ang naitala ni Santos.

Madami ang nagtaka at nadismaya.

Siya mismo, sa loob ng Petron dugout matapos ang laro ay napaiyak.

“Tao lang tayo,” ang wika ni Santos.

Sana naman ay ma­ka­bawi siya para makatulong sa Petron na itabla pa ang serye.

Sapagkat tayo ay tao lamang.

ARWIND

BEST DEFENSIVE

CUP FINALS

DEHADO

MYTHICAL FIVE

PETRON

SA GAME

SAN MIG

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with