Tagaytay team bumandera sa Asian Chess
TAGAYTAY, Philippines - --- Umiskor ang Tagaytay ng 2.5-1.5 panalo laban sa Philippine Sports Commission-Manila sa third round ng 2013 Asian Cities Chess Team Championship sa Tagaytay International Convention Center.
Tinalo ni Grandmaster Oliver Barbosa (2567) si GM Rogelio Antonio Jr. (2518), habang binigo ni GM John Paul Gomez (2511) si IM Rolando Nolte (2447).
Nagtabla naman sina GM Darwin Laylo (2497) at IM Jan Emmanuel Garcia (2396).
Tanging si GM Richard Bitoon (2407) ang nagbigay ng puntos para sa Manila matapos igupo si GM Mark Paragua (2571).
Dahil dito, nakuha ng Tagaytay team ang solo leadership board sa kanilang 6.0 points.
- Latest