^

PSN Palaro

Pangasinan nanalasa sa athletics

Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales , Philippines  --Da­la­wang ginto ang kinuha ni Ludovico dela Cruz ng Pangasinan sa pangala­wang araw ng athletics upang pamunuan ang lumalaking bilang ng mga atletang nakadalawang ginto na sa Luzon Elimination ng Batang Pinoy na ginagawa sa Zambales Sports Complex dito.

Nanaig si Cruz sa 400-meter run sa 53.8 segundo tiyempo bago isinunod ang dominasyon sa 110-m hurdles sa 15.3 segundo upang maging kauna-unahang multiple gold medalist sa track and field.

May apat pang Panga­sinenses ang nanalo sa athletics para magparamdam ang koponan sa paboritong event.

Ang mga ito ay sina Mark Conrad Manipon sa javelin (46.63-m); Marvin Manuel sa 1,500-m (4:19); Keith Mario Quizo sa high jump (1.75-m) at Carl Angelo Cunanan sa 2000-m boys walk (12:37.2).

Hindi naman nagpahuli ang mga tankers na sina Maurice Sacho Ilustre, Mark Aubrey Santos, Kirsten Chloe Daos at Anna Althea Articona na may dalawang ginto na rin.

Si Ilustre na nanalo ng limang ginto sa UAAP sa koponan ng UE ay nanalo sa 200-m butterfly sa 2:20.02 para isunod sa pangunguna sa mas mahabang 400-m distansya sa kaparehas na event sa Day 1.

Si Santos ay nagwagi sa 100-m freestyle sa 1:04.07 oras; si Daos ay kampeon sa 100-m freestyle sa 1:04.07; at si Articona ay kabilang sa 200-m medley relay team (2:20.36).

 Ang mga mananalong atleta ay aabante sa National Finals sa Bacolod City sa susunod na buwan.

 

ANNA ALTHEA ARTICONA

BACOLOD CITY

BATANG PINOY

CARL ANGELO CUNANAN

CRUZ

KEITH MARIO QUIZO

KIRSTEN CHLOE DAOS

LUZON ELIMINATION

MARK AUBREY SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with