^

PSN Palaro

Chiefs maghahabol sa Playoff vs Blazers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

 4 p.m. Arellano

vs St. Benilde (Srs.)

6 p.m. Mapua

 vs Lyceum (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Arellano ang kanilang paghahabol para sa playoff sa se­mifinals sa pagharap sa host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nagkaroon ng ‘di inaasahang pahinga nang nakansela ang laro noong Lunes na kung saan ay nakalaban dapat ng Chiefs ang San Beda, inaasahang ginamit  ito ng koponan pa­ra mas pag-ibayuhin ang laro kontra sa Blazers na nasisilayan sa ganap na alas-4 ng hapon.

May 6-9 baraha ang tropa ni coach Koy Banal at kailangan nilang walisin ang huling tatlong laro at ipanalangin na ang San Sebastian at Emilio Agui­naldo College ay hindi lu­magpas ng siyam na pa­nalo.

Sakaling manalo pa ang Chiefs, mahihigitan na rin nila ang naitalang karta noong nakaraang taon na nasa 6-12 baraha.

Sa unang pagtutuos na nangyari noong Agosto 12 ay natalo ang Chiefs sa Blazers sa 62-69 iskor.

Talsik na sa kompetis-yon ang host school sa 5-10 baraha pero  hindi ito mangangahulugan na hindi na sila makikipagsabayan dahil hanggad nilang magkaroon ng disenteng pagtatapos sa liga.

Sina Mark Romero, Jonathan Grey at Paolo Taha ang mga magdadala ng laban sa Blazers habang sina John Pinto at Prince Caperal ang mamumuno sa Chiefs.

Ang tampok na laro da­kong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Mapua at Lyceum na isang no-bearing game.

Nais ng Pirates na wa­lisin ang head-to-head nila ng Cardinals matapos ang 74-59 panalo noong Hulyo 11.

Handa naman ang Car­dinals na bawian ang Pirates lalo pa’t galing sila sa 81-76 paninilat sa Lions noong Oktubre 7.

ARELLANO

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUI

JOHN PINTO

JONATHAN GREY

KOY BANAL

LARO NGAYON

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with