Slaughter type ng Ginebra
MANILA, Philippines - Hindi palalampasin ng Barangay Ginebra San Miguel ang higanteng si Greg Slaughter sa gaganaping PBA Draft sa RoÂbinson’s Midtown Manila sa Nobyembre 3.
May 52 manlalaro ang nagpatala na ng kanilang mga pangalan sa drafting at ang 6’11 dating Ateneo at Gilas player ang siyang malamang na magiging number one pick.
Ang Gin Kings ang siyang unang pipili matapos makuha ang rights mula sa Air 21.
Ang Air 21 ang naÂnaig sa Globalport sa isinagaÂwang draft lottery sa halftime ng Game 1 ng PBA Governor’s Cup Finals noong Biyernes sa Mall of Asia Arena.
Pero nailipat na ng Air21 ang draft rights sa Barangay Ginebra matapos ang palitan nina KG Canaleta at John Wilson noong nakaraang taon.
Hindi rin ang Batang Pier ang pipili sa ikalawang puwesto dahil ipinamigay na nila ito sa San Mig Coffee sa nangyaring trade kay Josh Urbiztondo.
Noon pang 1996 huÂling nagkaroon ng number one pick ang Gin Kings at sa nasabing drafting, ang 6’9 center mula Adamson na si Marlou Aquino ang kanilang kinuha.
Bukod kay Slaughter, may dalawa pang 6’9 Fil-Am players ang nasa draft at ito ay sina Isaac Holstein ng West Virginia State at John Usita ng Shorelline Community College.
Ang Rain or Shine ang pipili sa ikatlong puwesto bago ang Barako Bull na may tatlong sunod na draft picks na nakuha sa Ginebra, Meralco at Petron. Ang Globalport ang pipili sa ikapito bago sumunod ang Alaska, ang Rain or Shine at San Mig Coffee uli.
Bukod kay Slaughter, ang ibang manlalaro na inaasahang mapipili agad ay ang 6’7 sina Letran center Raymund Almazan, FEU gunner RR Garcia, dating Ateneo forward Nico Salva at Justin Chua at daÂting Gilas at FEU na si JR Cawaling.
Ang pagpapatala ng pangalan ng mga gustong sumali sa drafting ay hanggang bukas na lang.
- Latest