Isa na lang sa Cagayan Belles
MANILA, Philippines - Kinapitan ng Cagayan Province ang kanilang depensa upang maisantabi ang pagkawala ng 2-0 kalamangan at manalo sa dikitang 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12 laban sa Smart-Maynilad sa Game One ng Shakey’s V-League Season 10 Open ConfeÂrence kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sina Pau Soriano at Aiza Maizo ang siyang nagtrangko sa blocking ng Lady Rising Suns nang dalawang beses niyang binutata ang malakas na pag-atake ni Alyssa Valdez para maibigay sa tropa ni coach Nestor Pamiliar ang 1-0 kalamangan sa best-of-three Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
May 22 attack points, dalawang aces at isang block si Kannika Thipachot ngunit malaki ring papel ang ginawa ni Wenneth Eulalio na kumawala ng dalawang mahahalagang hits para bigyan ang Cagayan ng 13-11 abante.
Ito ang ika-15 sunod na panalo ng Cagayan at kailangan na lamang nilang maulit ang tagumpay sa Game Two sa Linggo para makumpleto ang sweep tungo sa unang titulo.
Si Angeli Tabaquero ay mayroong 16 kills, si Aiza Maizo ay naghatid ng 10 kills, kasama ang apat na blocks, habang siyam na hits ang ginawa ni Eulalio.
Sina Lithawat Kesinee at Dindin Santiago ay may 20 at 12 hits at nagtambal sila sa 28 kills pero nawala sa opensa sina Valdez, Sue Roces at Grethcel Soltones na nagsanib lamang sa 18 hits.
Hinawakan din ng 2011 champion Philippine Army ang 1-0 kalamangan sa battle-for-third place laban sa Philippine Air Force, 26-24, 29-27, 25-21.
Si Jovelyn Gonzaga ay may 10 kills at 4 blocks tuÂngo sa 15 hits ang hinirang na Most ValuaÂble Player at Best Attacker sa liga.
Ang iba pang pinaraÂngalan ay sina Thipachot at Phomia Soraya ng Cagayan bilang Best Scorer at Setter; Jen Reyes at Maureen PeÂnetrante-Ouano ng Meralco bilang Best Receiver at Best Blocker; Melissa Gohing ng Smart bilang Best Diger; at Mary Jean Balse ng Army bilang Best Server. Si Alyssa Valdez ang kumuha sa Fittest Player habang si Daquis ng Army ang In and Out the Court Awardee.
- Latest