^

PSN Palaro

TV5 isasaere ang PLDT TELPAD PBA Governor’s Cup Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bibigyan ng Kapatid Network ang mga Pinoy basketball fans ng kasiyahan ngayong buwan sa pamamagitan ng pagsasaere sa TV5 ng PLDT TELPAD PBA Governor’s Cup Finals.

Nagsimula na kagabi ang championship series sa pagitan ng Petron Blaze at  ng San Mig Coffee sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang pagkaka­taon na nagharap ang Boosters at ang Mixers para sa PBA Finals matapos noong 2000 Governor’s Cup Finals kung saan sila dating kilala bilang San Miguel Beermen at Purefoods TJ Hotdogs, ayon sa pagkakasunod.

Huling nanalo ng korona ang Petron noong 2011 Governors Cup kung saan nila tinalo ang Talk N’ Text sa isang seven game series.

Sa likod ni coach Gee Abanilla, naglista ang Boos-ters ng isang 11-game winning streak, habang si import Elijah Millsap ang naging sandigan ng Mixers patungo sa PBA Finals.

“The PLDT TELPAD PBA Governor’s Cup Finals on TV5 will allow us to broadcast the games to a wider reach nationwide and with clearer broadcast quality. Filipinos love watching basketball and we saw that during the recent 2013 FIBA Asia Championship on TV5,” ani Sports5 Head Chot Reyes.

Isasaere rin ang PLDT TELPAD Governor’s Cup Finals sa AksyonTV sa Free TV - Channel 41 sa Metro Manila, Channel 29 sa Metro Cebu at sa Davao; sa cable at satellite television sa Channel 1 sa CIGNAL Digital TV, Channel 85 sa SkyCable Digibox, Channel 78 sa Destiny Cable) at sa live streaming sa News5 Everywehere (n5e.interaksyon.com).

ASIA CHAMPIONSHIP

CUP FINALS

DESTINY CABLE

ELIJAH MILLSAP

GEE ABANILLA

GOVERNORS CUP

HEAD CHOT REYES

KAPATID NETWORK

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with