Isasabak ng EAP sa Myanmar SEAG, mga batang equestrienne na palaban sa medalya
MANILA, Philippines - Tatlong bata pero may karanasang equestrienne riders ang sasandalan ng bansa para magkamedalya sa Myanmar SEA Games.
Sina Diego Virata, Andrea Belofsky at Camila Lastrialla ang mga pinili ng Equestrian Association of the Philippines (EAP) para ilaban sa show jumping gamit ang borrowed horse format competition.
Sa pagdalo ni Mikee Cojuangco-Jaworski sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon, kanyang sinabi na baÂgaÂmat mga bata pa dahil ang edad ng tatlong ito ay nasa 16 hanggang 20 anyos, batak naman sila sa laban sa mga borrowed horse competitions sa Asian level.
“Sila ay sumasali na sa mga Asian level at mas mataas ito kumpara sa magaganap na kompetisÂyon sa Myanmar,†wika ni Cojuangco-Jaworski na corporate secretary ng EAP.
Idinagdag pa ng anak ni POC president Jose Cojuangco Jr. at nahalal bilang kinatawan ng IOC sa bansa, na mga bata ang mga ipadadala sa equestrian para matiyak na may mga papalit sa mga elite riders ng bansa tulad nina Diego Lorenzo at Toni Leviste na nanalo ng isang gold at isang silver sa individual at magkasama sa silver sa team event noong 2011 Indonesia SEA Games.
“Kung hindi natin sila bibigyan ng karanasan sa mga ganitong pressure competitions, baka wala na tayong maipangpalit sa mga elite riders natin,†ani pa ni Mikee.
Hindi naman siya nagbigay ng prediksyon sa puwedeng panalunan ng tatlong riders na ito bagkus ay tiniyak lamang na lalaban at bibigyan ng magandang laban ang mga kalaban.
- Latest