Wala nang bukas! Tigers iuukit na ang korona vs Archers
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. UST vs La Salle (Game Two Finals)
MANILA, Philippines - Kumpletuhin ang makasaysayang kampanya ang balak ng UST habang palawigin ang buhay ang nais ng La Salle.
Sa ganap na alas-3 ng hapon, isa sa dalawang koÂponang ito ang makakaÂgawa ng kanilang misyon dahil magtutuos ang Tigers at Archers sa Game Two sa 76th UAAP men’s basketball Finals sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Balak higitan ng Tigers ang nakuhang taguri bilang kauna-unahang fourth seed team na tumalo sa number one seed sa Final Four at kauna-unahang fourth seed team na hinirang na kampeon ng liga.
Nalagay ang Tigers sa nasabing puwesto matapos kunin ang 73-72 panalo sa Archers sa Game One na ginawa sa Big Dome noong nakaraang MiÂyerkules.
“Isang game na lang. Pero kami, nothing to lose pa rin kami. Galing kami sa ibaba at talagang upset-conscious lang kami,†wika ni UST coach Alfredo JaÂrencio.
Pressure game ito pero tiwala ang beteranong coach na relax pa rin na maglalaro ang kanyang bataan dala ng kanilang championship experience na nakuha noong nakaraang taon, bagay na inihaÂyag din ng lider na si Jeric Teng.
“We’ve been here before. Last year’s experience playing in the Finals against Ateneo will be of big help in this game. Sabi nga ni coach, kung dikitan ang laban, dapat amin ito,†wika ni Teng na nais na wakasan ang collegiate career bitbit ang natatanging UAAP title.
Bukod kay Teng ay aasa rin ang UST sa husay nina Kevin Ferrer, Karim Abdul, Aljon Mariano at Clark Bautista para maibigay din sa Tigers ang unang titulo matapos ang 2006.
Hindi naman papayag ng ganun-ganun na lamang ang Archers at gagawin ang lahat para maihirit ang deciding Game 3 na itinakda sa Oktubre 12.
“It’s not really their championship experience. They’ve been playing really well in their past games. We just have to do better, possession by possession,†wika ni La Salle mentor Juno Sauler.
Sina Jeron Teng, Almond Vosotros, LA Revilla, Arnold Van Opstal at Jason Perkins ang mga kakamada para sa koponan pero isang player na dapat na makitaan ng bangis ay ang 6’6 center Norbert Torres na nakagawa lamang ng dalawang puntos sa unang tagisan.
- Latest